NASABAT ng mga awtoridad ang 68 million pesos na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa isang mall sa Pasay City.
Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaking suspek na nagpakilalang pasahero at driver ng isang ride-hailing company subalit kalaunan ay nabisto na magkapatid.
ALSO READ:
Nang inspeksyunin ang sasakyan ng mga suspek ay natagpuan ng mga operatiba ang sampung kilo ng hinihinalang shabu.
Ayon sa PDEA, galing sa Zamboanga City ang magkapatid at pabalik-balik sa Metro Manila para sa kanilang mga iligal na transaksyon.




