ISINILANG na ng transman na si Jesi Corcuera, alum ng “Starstruck” at “Pinoy Big Brother,” ang kanyang panganay na anak na isang baby girl.
Kinumpirma ni Jesi ang kanyang panganganak sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, at ipinasilip ang litrato ng kanyang bagong silang na sanggol.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Inanunsyo ni Jesi ang kanyang pagbubuntis noong Oktubre, kasabay ng pagsasabing pangarap niya na magkaroon ng sariling anak simula pa noong 2018.
Sinabi pa ng Starstuck at PBB Alum, na itinuring niyang “sign” para ipursige ang pangarap, ang pagdating sa kanyang buhay ng partner na si Cams at mga anak nito.
