10 March 2025
Calbayog City
National

Melai, TRABAHO naghatid ng saya sa 9th KanLahi Festival

melai

Naghatid ng kasiyahan at pagbati si TRABAHO Partylist celebrity advocate Melai Cantiveros-Francisco sa libu-libong Tarlaqueños ngayong hapon sa ginanap na Grand Float Parade sa Tarlac City.

“Happy 9th KanLahi Festival, mga Tarlaqueño”, bati ni Melai.

“Congratulations sa inyo mga Tarlaqueños dahil nandito ang 106 TRABAHO Partylist para sa inyong mga deserved na serbisyo,” dagdag pa niya.

Pinagkaguluhan talaga si Melai ng mga taong nais siyang masilayan at makuhanan ng larawan, kaya’t naging daan talaga ang paradang ito upang maibahahi niya ang mga adbokasiya ng TRABAHO.

Sa pagdalo sa parada, layunin ng TRABAHO na maghatid ng kaalamam sa mga Pilipino tungkol sa plataporma nitong kalidad na trabaho, sapat na sahod, at patas na oportunidad.

Kasama ni Melai ang iba pang mga miyembro ng TRABAHO sa pangunguna ni nominee Atty. Johanne Bautista na siyang nagpahayag rin ng paghanga sa KalanLahi Festival.

Ani ng abugado, ang proyektong ito ni Gov. Susan Yap ay game-changer sapagkat mayroon itong cultural at tourism na aspeto- gumagawa ito ng maraming trabaho at nagpapalago sa regional na ekonomiya, habang nagpapasaya ng komunidad.

Bukas naman ay sa buong Pilipinas eere si Melai bilang host sa muling pagbubukas ng bahay ni kuya sa Pinoy Big Brother.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).