NAGTUNGO ang “My Love Will Make You Disappear” lead stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Los Angeles, California para dumalo sa Manila International Film Festival 2025.
Sinabi ni Paulo na excited sila na ibida ang mga pelikulang Pilipino sa MIFF, kasama ang kanilang mga kaibigan sa industriya.
ALSO READ:
Barbie Imperial, nilinaw na walang “bad blood” sa pagitan nila ni Sarah Lahbati
Ex-couple na sina Katrina Halili at Kris Lawrence, pinakilig ang fans sa mga TikTok videos at livestreams
Steven Spielberg, nakamit ang Coveted Egot Status sa pamamagitan ng pagkapanalo sa Grammy 2026
British singer na si Olivia Dean, wagi ng Best New Artist sa Grammys 2026
Ayon naman kay Kim, ito ang ikalawang pagkakataon na dumalo sila ng aktor sa kahalintulad na event.
Bukod sa pag-attend sa MIFF, mag-iikot din ang “KimPau” para sa press interviews upang i-promote ang kanilang pelikula, bago ang North America release nito sa March 28.
Ipalalabas naman sa mga sinehan sa Pilipinas ang “My Love Will Make You Disappear” sa March 26.
