HANDA na ang Philippine National Police sa ipatutupad na seguridad sa idaraos na Panagbenga Festival 2026.
Nagsagawa ng inspeksyon si Police Col. Ledon Monte, Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad sa Baguio City.
ALSO READ:
Kabilang sa ininspeksyon ang ruta at venue Festival.
Katuwang ng PNP sa pagpapatupad ng seguridad ang Baguio Flower Festival Inc., Bureau of Fire Protection, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Emergency Medical Services, City Engineering Office sat iba pang ahensya at volunteer groups.
Una nang sinabi ng PNP na higit 1,500 na pulis ang ipakakalat sa pagidiriwang ng Panagbenga Festival.




