5 July 2025
Calbayog City
Sports

Terrence Romeo at Vic Manuel, binitawan ng San Miguel kapalit ng dalawang players mula sa Terrafirma

NAGDAGDAG ang San Miguel Beer ng fresh legs bago ang kanilang title defense sa PBA Commissioner’s Cup, kung saan na-acquire ng koponan sina Juami Tiongson at Andreas Cahilig mula sa Terrafirma.

Ipinalit ng beermen ang veterans na sina Terrence Romeo at Vic Manuel sa Dyip, sa trade deal na inaprubahan ng liga.

Inilarawan ni Romeo ang kaganapan bilang isa sa “saddest moments” sa kanyang career, kasabay ng pasasalamat sa San Miguel sa mga produktibong taon ng kanyang pananatili sa koponan, gayundin sa Terrafirma sa pagtanggap sa kanya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).