NAKAISA na ring panalo sa wakas ang Terrafirma sa 2024 PBA Governor’s Cup.
Mas impresibo ang kanilang panalo dahil pinadapa nila ang nangungunang koponan na TNT, sa score na 84-72, sa Ninoy Aquino Stadium, kagabi.
ALSO READ:
Pinoy Boxer Eumir Marcial, napasakamay ang WBC Title; tinalo ang Venezuelan Opponent sa Thrilla in Manila
Pinoy Boxer Eman Bacosa, nananatiling Undefeated kasunod ng Unanimous Decision Win laban kay Nico Salado
Alas Pilipinas, kinapos laban sa Iran sa Asian Youth Games
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 51 bago sumabak sa Hong Kong Open
Ito rin ang kauna-unahang panalo ng DYIP laban sa Tropang GIGA simula noong 2016.
Nakapagtala si Antonio Hester ng Terrafirma ng team-high na 22 points at 10 rebounds habang nag-ambag sina Stanley Pringle ng 18 points at ian sangalang ng 10 points.
Samantala, pinangunahan naman ni Rondae Hollis-Jefferson ang TNT sa kanyang 25 points, 11 rebounds, at 9 steals habang nakapagtala si RR Pogoy ng 23 markers.
