ILANG rice importers ang sadyang hino-hold ang kanilang shipments sa loob ng Manila International Container Terminal hanggang sa tumaas ang presyo ng bigas, ayon sa Philippine Ports Authority.
Sinabi ni ppa General Manager Jay Santiago na 888 containers ng halos kalahating milyong sako ng bigas ang nasa loob ng ports habang naghihintay ng release.
Aniya, mahigit kalahati ng shipments ang na-clear na ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue, subalit hindi pa rin inilalabas sa port. Inihayag ni Santiago na kapag nagbigay ng Permit to Import ang Department of Agriculture, dapat ay obligahin ang consignees na i-pullout agad sa mga pantalan ang shipment sa loob ng limang araw para mag-stabilize ang presyo ng bigas.