INALIS sa pwesto ng Department of Transportation (DOTr) ang tatlong empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) na umano’y sangkot sa insidente ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa media conference, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na magsasagawa sila ng imbestigasyon at sasampahan ng kaukulang administrative charges ang mga sangkot kapag napatunayang sila ay nagkasala.
Idinagdag ni Dizon na hindi nila kukunsintihin ang anumang pang-aabuso, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsibak sa OTS employees ay matapos akusahan ang 69-year-old na ginang na patungong Vietnam kasama ang kanyang pamilya, ng “tanim-bala” bago sila sumakay sa kanilang flight noong Huwebes.