15 March 2025
Calbayog City
Local

Tacloban City, nag set-up ng Online Renewal at Satellite Services para sa pagdagsa ng mga magre-renew ng Business Permits

NAG set-up ang Tacloban City Government ng Online Renewal Services at Satellite Offices simula kahapon, Jan. 2 hanggang hanggang 20, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magre-renew ng business permits sa mga unang araw ng bagong taon.

Sa statement, sinabi ng lokal na pamahalaan na nagtatag sila ng tatlong off-site venues bilang karagdagan sa kanilang On-site Business Renewal sa City Hall.

Ang mga satellite offices ay matatagpuan sa loob ng Robinsons Place Tacloban sa Marasbaras District, Robinsons North Tacloban sa Abucay District, at Gaisano Capital sa Real Street.

Inaasahan ng lungsod ang taunang renewal na mahigit walunlibong registered businesses sa loob ng unang tatlong linggo ng Enero ng 2024.

Ang Business One-Stop Shop ng City Hall at Off-Site Venues ay bukas Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *