Hindi bababa sa walo ang patay habang dalawampu’t tatlo ang nasugatan sa pagsabog ng bomba sa North Syrian City na Azaz.
Ayon sa Syrian observatory for human rights, isang car bomb ang sumambulat sa mataong palengke sa naturang lungsod sa Aleppo province.
Nagdulot ng malaking pinsala ang pagsabog at naging mitsa ng sunog dahilan kaya naging sunod-sunod ang pagdating ng mga ambulansya at rescue personnel sa pinangyarihan ng insidente.
Nagsimula ang kaguluhan sa Syria makaraang pigilan ng pamahalaan ang mapayapang mga protesta noong 2011 at lumaganap ang karahasan na humikayat sa Jihadists at foreign armies.