NASA dalawampung milyong pilipino na mula sa Generation Z (GEN Z) ang inaasahang boboto sa 2025 Midterm Elections, ayon sa Comelec.
Ang mga nasa Gen Z Category, ay ang mga isinilang sa pagitan ng 1997 hanggang 2012.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mahalaga ang boto ng Gen Z sapagkat sila ang magdidikta ng kinabukasan ng ating bayan.
Sinegundahan naman ito ng political analyst na si Edna Co, sa pagsasabing paparami ang bilang ng Gen Z Voters, na napakahalaga ng papel para sa maaring pagbabago sa political landscape ng Pilipinas.
Dagdag pa ni Co, ang Gen Z Voters ang tinatawag na digital generation, na aniya ay hindi lang taga-tanggap ng impormasyon, dahil sila mismo ay maaring maging actors at shapers ng mga pamamaraan ng teknolohiya.