14 March 2025
Calbayog City
Sports

Manny Pacquiao magkakasa ng ilang laban para kay Eumir Marcial sa Pilipinas bilang paghahanda sa Paris Olympics

TUTULUNGAN ni Filipino Boxing Legend Manny Pacquiao si Eumir Marcial na magkaroon ng ilang professional fights bilang bahagi ng paghahanda nito sa 2024 Paris Olympics.

Plano ni Pacquiao na magkasa ng laban para kay Marcial sa Metro Manila upang ipakita ang husay ng Pinoy Olympian sa harap ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng naturang plano, inaasahang madaragdagan ang kumpiyansa ni Marcial na maiuuwi nito ang gintong medalya mula sa Paris games.

Huling lumaban sa harap ng mga kapwa Pinoy si Marcial noong ganapin sa bansa ang 2019 South East Asian Games kung saan nanalo siya ng gintong medalya.

Bilang propesyonal, napanalunan ng pinoy boxer ang lahat ng apat niyang laban, kabilang ang dalawang knockouts, sa Amerika.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *