MATAGUMPAY na nailagay ang symbolic markers sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) sa Civilian Mission ng “Atin Ito” Coalition.
Pasado alas onse ng umaga kahapon, nang ibahagi ng “Atin Ito” ang mga larawan at video ng paglalatag ng boya, na may nakasulat na “WPS Atin Ito!”
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Makalipas ang isa’t kalahating oras, inihayag ng civilian mission organizer na nagpapamahagi na ang main boats ng supplies, gaya ng krudo at mga pagkain sa mga Pilipinong mangingisda na nasa lugar.
Hindi naman tinukoy ng grupo ang kanilang eksaktong lokasyon para sa seguridad ng misyon.
Ala siyete y medya ng umaga kahapon nang umalis sa Zambales ang convoy na kinabibilangan ng nasa isandaang mga bangka.
