Lima na ang nasawi matapos maaksidente sa kalsada ngayong holiday season, kabilang ang tatlo na kinasangkutan ng motorsiklo.
Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), tatlumpu’t siyam ang nadagdag na bagong road accidents, dahilan para pumalo na ang bilang sa 457 simula noong Dec. 22.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Nakasaad din sa tala ng ahensya na 393 individuals na nasangkot sa aksidente ang walang suot na anumang safety gear.
Pitumpu’t anim na insidente naman ang kinasangkutan ng mga indibidwal na nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Lumilitaw na karamihan sa mga aksidente sa kalsada ay kinasangkutan ng motorsiklo na nasa 322 cases.
