DALAWA ang nasawi makaraang mawalan ng kontrol ang isang kulay itim na SUV sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, isa sa mga namatay ang limang taong gulang na babae na anak ng OFW.
Tatlo naman aniya ang nasugatan at dinala sa San Juan De Dios Hospital, subalit batay sa statement ng New NAIA Infra Corp., apat ang nagtamo ng injuries.
Kabilang sa mga nasugatan ang ina ng nasawing bata.
Nasa airport ang mag-ina para ihatid ang kanilang padre de pamilya.