TUMAMA ang magnitude 5.4 na lindol sa lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa layong 37 kilometers northeast ng bayan ng Lingig, 4:36 pm, kahapon.
May lalim na 29 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ng PHIVOLCS ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– Bislig City, Hinatuan, at Lingig, Surigao Del Sur
Intensity II
– Mabini, at Maco, Davao De Oro
– San Francisco, Surigao Del Norte
– Barobo at Tandag City, Surigao Del Sur