Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Surigao del Sur, 3:37 pm, kahapon.
Natunton ng Phivolcs ang sentro ng lindol na tectonic in origin, 133 kilometers northeast ng Hinatuan, at may lalim na dalawampu’t siyam na kilometro.
Una itong naitala sa magnitude 5.3 subalit ibinaba sa magnitude 5.1 kinalaunan.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay aftershock pa rin ng magnitude 7.4 na lindol noong Dec. 2, 2023.