Binisita nina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Vice Mayor Rex Daguman ang ika-anim na batch ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) sa Calbayog City Sports Complex.
Inorganisa ito ng Calbayog CSWDO upang i-educate ang dalawampu’t apat na barangays mula sa Tinambacan at Oquendo District tungkol sa kanilang mga programa at serbisyo.
ALSO READ:
Eastern Visayas, target i-update ang SDG Catch-up Plan
Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas, nasungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na EVRAA 2026 sa Baybay City
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Kasama sina City Councilors Rosela Sumagang at Rhena Tafalla, sinuportahan ng mga opisyal ang BNEO sa kanilang mga papel at responsbilidad sa kani-kanilang komunidad.
Layunin ng naturang hakbang na mabigyan ng kapangyarihan ang local leaders at pagbutihin ang pamamahala sa grassroots level para sa ikauunlad ng Calbayog City.
