Binantayan ni North Korean Leader Kim Jong Un ang firing drills ng artillery units sa western region, na kinabibilangan ng “super-large” multiple rocket launchers.
Naglabas ng mga larawan ang official news agency na KCNA habang pinanonood ni Kim ang drills, na ang layunin ay subukin ang “real war capabilities” ng 600 millimeter multiple rocket launchers.
Ipinag-utos ng North Korean leader ang pag-modernize at pag-level-up ng kanilang artillery forces, partikular ang rocket launchers, bilang paghahanda sa digmaan.
Una nang iniulat ng South Korea at Japan ang muling paglulunsad ng Pyongyang ng iba’t ibang short-range ballistic missiles sa karagatan, makalipas ang dalawang buwan.