ISANG sunog na bangkay ng babae ang natagpuan sa bayan ng Tarangnan, Samar.
Hinihinalang ito ang babaeng unang idineklarang nawawala na kinilala sa alyas “Joy,” trenta’y uno anyos, residente ng Barangay Canunghan, sa nabanggit na bayan.
Biyernes nang maiulat na nawawala ang biktima at makalipas ang ilang oras na paghahanap ng mga opisyal ng barangay ay natagpuan ang sunog na katawan ng babae sa ilalim ng puno ng niyog, malapit sa baybayin.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang tunay na pagkakakilan ng narekober na bangkay.