NASAGIP at nilapatan ng lunas ng mga tauhan ng 8th Infantry Division (8ID) ang isang sugatang rebelde kasunod ng engkwentro sa Las Navas, Northern Samar.
Ang Guerilla na kinilala lamang sa Alyas “Bentoy,” ay kabilang sa labing apat na kalalakihan na nakasagupa ng mga sundalo sa Barangay Mabini.
ALSO READ:
Mangrove areas sa Tacloban, isasailalim sa rehabilitasyon
DSWD, naglabas ng 48 million pesos na cash aid para sa trike drivers sa Eastern Visayas
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mahigit 500 na mangingisda sa Northern Samar, makatatanggap ng fuel subsidy
Tumakas ang armadong kalalakihan subalit natagpuan ng mga humahabol na sundalo si Bentoy sa kalapit na Barangay Lakandula.
Ginamot muna ng mga sundalo ang sugat nito sa binti bago ibiniyahe patungong Catubig District Hospital.
