TUMAAS sa 4.1 percent ang inflation rate noong Marso, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, mas mataas ito kumpara sa 2.4 percent noong Pebrero at 1.8 percent noong March 2025.
Sinabi ni Mapa na pangunahing dahilan nito ang transport index, na naitala ang inflation rate sa 9.9 percent.
Ang transport index, aniya, partikular ang presyo ng produktong petrolyo, ay may 54.8 percent share sa overall uptrend.




