BUMAGSAK ng 18.73% ang subsidiya na ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) noong Mayo, kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, naitala sa 7.92 billion pesos ang subsidies sa GOCCs noong Mayo, na mas mababa rin ng 45.57% kumpara noong Abril.
Nagbibigay ang National Government ng subsidiya sa mga GOCC para makatulong na pondohan ang kanilang Operational Expenses na hindi kayang punan ng kanilang kinikita.
Noong Mayo ay ang National Irrigation Administration (NIA) ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya na nasa 3.54 billion pesos o 44.72% ng kabuuang subsidies.
Sumunod ang National Electrification Administration na pinagkalooban ng 1.25 billion pesos at National Food Authority (NFA) na may 750 million pesos.




