Sumailalim sa operasyon ang import ng Meralco Bolts na si Su Braimoh matapos magtamo ng injury sa game kontra NLEX Road Warriors noong linggo.
Last quarter ng laro nang mawalan nang balanse ang import at matumba habang sinisikap na makapuntos.
Base sa resulta ng pagsusuri, maaaring buong season hindi makapaglaro si Braimoh dahil hindi biro ang tinamo nito na injury na torn achilles.
Posible naman na makaapekto ito sa Meralco Bolts, na kasalukuyang nasa ika-apat na puwesto sa win-loss record.