14 March 2025
Calbayog City
Sports

Stephen Curry pinagpahinga sa game laban sa Timberwolves bunsod ng knee injury

HINDI nakapaglaro si Golden State Warriors Star Guard Stephen Curry sa NBA In-Season Tournament Game laban sa Minnesota Timberwolves, dahil sa pananakit ng kanang tuhod.

Na-injure ng trenta’y singko anyos na si Curry ang kanyang tuhod matapos mapasama ang pagbagsak nito sa second half ng laban nila kontra Minessota noong Lunes.

Sa kabila nito ay ipinagpatuloy pa rin ni two-time NBA MVP ang paglalaro at nakapag-ambag ito ng 38 points sa loob ng 36 minutes, subalit kinapos pa rin ang Warriors kontra Wolves sa score na 116-110.

Si Curry ay may average na 30.7 points, 4.6 rebounds at 3.9 assists sa labing isang games ngayong NBA season.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *