INANUNSYO ni Golden State Coach Steve Kerr na hindi makapaglalaro si two-time NBA All-Star Game Most Valuable Player Stephen Curry sa annual showcase sa Linggo bunsod ng injury sa kanang tuhod.
Ginawa ni Kerr ang anunsyo bago ang game ng Warriors laban sa Memphis Grizzlies.
ALSO READ:
Hindi nakapaglaro ang Warriors Veteran Superstar kontra Memphis, kahapon, gayundin sa game laban sa San Antonio Spurs, bukas.
Umaasa ang Warriors na makababalik sa hardcourt si Curry pagkatapos ng All-Star break, kapag hinost nila ang Boston Celtics sa Feb. 19.
Sa kasalukuyan ay 14 games na ang na-miss ni Curry, subalit nag-a-average pa rin ito ng 27.2 points per game, ika-lima sa kanyang highest per game total sa loob ng kanyang 17-year career.




