ISINAILALIM sa state of calamity ang probinsya ng Surigao del Sur dahil sa pinsalang natamo sa pananalasa ng bagyong Basyang.
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon sa pagdedeklara ng state of calamity upang mas mapabilis ang pagtulong sa mga naapektuhang residente.
Sa datos ng Provincial Government, halos ninety thousand na pamilya sa Surigao del Sur o higit three hundred thousand na katao ang naapektuhan ng bagyong Basyang.
Maliban sa pagbaha, nakapagtala din ng landslide sa Tandag City at pito pang munisipalidad.




