ISINAILALIM sa State of Calamity ang buong Lalawigan ng Northern Samar kasunod ng malawakang pagbaha bunsod ng mga pag-ulan dulot ng shear line.
Ayon kay Northern Samar Governor Edwin Ongchuan, ang deklarasyon ay inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council (PDRRMC) kasunod ng pinsala sa imprastraktura at mga pananim dulot ng malalim na baha.
Dahil dito, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa public at private schools ngayong miyerkules, pati na ang pasok sa trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan, maliban sa mga mayroong kaugnayan sa disaster, health, public safety, banking, financial, health at food supply institutions.
Sinabi ng Gobernador na prayoridad ng kanilang mga hakbang ang kaligtasan ng mga residente at matugunan nang maayos at mabilis ang kasalukuyang sitwasyon sa lalawigan.