14 March 2025
Calbayog City
Local

State of calamity, idineklara sa Calbayog City bunsod ng mga pinsalang idinulot ng pagbaha

state of calamity

Isinailalim sa state of calamity ang Calbayog City kasunod ng pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan bunsod ng shear line na nakaapekto sa Eastern Visayas.

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state of calamity ay pinapayagan ang local government na maglabas ng karagdagang pondo para sa relief assistance at iba pang mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng kalamidad.

Samantala, inatasan ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na bilisan ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng pagbaha sa Calbayog.

Sinabi ni CDRRMO Officer Dr. Sandro Daguman na mayroon lamang isa hanggang dalawang araw para ipamahagi ang relief goods.

Sa report ng CDRRMO, nasa animnapu’t dalawang (62) barangay ang naapektuhan ng pagbaha na nagdulot ng pinsala sa imprastraktura at mga pananim.

Sa pinakahuling update, sinabi ng CDRRMO na humupa na ang baha at nadadaanan na ang lahat ng mga kalsada.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *