NAGDEKLARA ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ng state of calamity bunsod ng tumataas na kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan.
Sa Facebook post, sinabi ng Batangas Public Information Office na ang pagsasailalim sa state of calamity ng lalawigan ay kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na pinamumunuan ni Governor Hermilando Mandanas.
As of Aug. 9, inihayag ng Batangas Office of the Provincial Veterinarian na umabot sa pitong bayan ang apektado ng ASF.
Una nang nagdeklara ang bayan ng Lobo noong Aug. 6 ng state of calamity makaraang labimpito mula sa dalawampu’t anim na barangay ang may napaulat na mayroong ASF cases.
Nagdeklara rin ng state of calamity ang mga bayan ng Calatagan at Lian noong Aug. 9.