NAGDEKLARA si Batangas Governor Hermilando Mandanas ng state of calamity sa buong lalawigan bunsod ng epekto ng bagyong Carina at pinaigting na habagat.
Ang deklarasyon ay kasunod ng assessment at recommendation ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ni Vice Governor Mark Leviste, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Kahapon ay sinuspinde na ni Mandanas ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, ngayong araw, bunsod ng masamang panahon.