24 June 2025
Calbayog City
Metro

Mga barong-barong sa Tondo, tinangay ng malakas na alon

HALOS tatlumpung barong-barong ang winasak ng malakas na alon sa Isla Puting Bato, sa Tondo, Maynila, sa gitna ng malakas na buhos ng ulan at masungit na lagay ng karagatan dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Carina.

May ilang residenteng nasaktan habang sinisikap na sagipin ang kanilang kagamitan, kahit halos lumubog na sa tubig ang buong kabahayan.

Nasa dalawampung kabahayan naman sa kahabaan ng R-10 sa Vitas ang nasira rin ng malakas na ulan at hangin.

Dahil dito, umapela ng tulong pinansyal ang mga apektadong residente  sa Manila City Government para maitayong muli ang kanilang mga nasirang kabahayan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.