Ikinatuwa ng palasyo ng Malakanyang ang magandang standing ng Pilipinas sa Corruption Perception Index of Transparency International.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, patunay ito na nagbunga na ang pagsisikap ng pamahalaan hindi lang para mapaikli ang proseso ng mga transaksiyon sa gobyerno kundi upang mapigilan din ang ano mang anyo ng korapsyon sa pamamagitan ng digitalization na ipinupursige ng administrasyon.
Kumpiyansa si Bersamin na sa pamamagitan ng digital transformation ay naipatutupad ang streamlining sa institutional processes.
Ayon kay Bersamin, mananatiling matatag ang gobyerno sa pangako nitong maibigay sa mamamayan ang maayos na serbisyo publiko.
Sa kabila ng magandang standing, sinabi ni Bersamin na mananatili itong hamon sa administrasyon na pagandahin pa ang serbisyo publiko.
Ito ay para maiangat pa ang magandang standing ng Pilipinas sa Corruption Perception Index.
Sabi ni Bersamin, palalakasin pa ng administrasyon ang digital transformation sa pamahalaan para mabawasan ang mga pagkakataon para sa pandaraya at katiwalian.