INANUNSYO ng Netflix na sa June 27 na ipalalabas ang final chapter ng Korean dark thriller na “Squid Game.”
Ang release date ng Squid Game Season 3 ay inanunsyo, kasabay ng pagpapalabas ng teaser clip kung saan ipinasilip sa mga viewers kung ano ang maari nilang asahan sa nalalapit na premiere.
ALSO READ:
Isa sa highlights ng teaser ang pagpili nina Seong Gi-Hun na ginagampanan ni Lee Jung-Jae; Cho Hyun-Ju (Park Sung-Hoon); Kim Jun-Hee (Jo Yu-Ri) at iba pang kapwa players sa pagitan ng kulay pula at asul na mga bola na tila bagong laro sa palabas.