MALIBAN sa mga tauhan na magmamando sa daloy ng trapiko ay nag-deploy din ng kagamitan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nasa Commonwealth Avenue na ang Mobile Command Center ng MMDA maging ang speed boat, at rescue vehicle sakaling makaranas ng malakas na pag-ulan.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Ayon sa MMDA may nakahanda itong temporary pumps na magagamit para masipsip ang tubig baha patungo sa pinakamalapit na creek.
Natapos na din ang pagpapalawak sa Drainage Inlet sa Commonwealth para mas mabilis ang daloy ng tubig-baha patungo sa mga imburnal.
