KASUNOD ng naranasang pagbaha naglabas ng paalala ang Department of Health sa paglilinis ng mga dumi at putik sa bahay.
Ayon sa DOH dapat hintayin muna hanggang sa tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
– Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
– Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
– Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach
Dapat ding mag-ingat sa aksidente lalo na kung madulas pa ang sahig.
