KABUUANG isandaan tatlumpung sangguniang kabataan chairpersons at members ang dumalo sa special SK Assembly sa Calbayog City Convention Center.
Tinalakay sa naturang pagtitipon ang guidelines para sa pagpuno ng bakanteng mga posisyon sa sangguniang kabataan sa pamamagitan ng succession, pagsasagawa ng katipunan ng kabataan assembly, o pagtatalaga ng alkalde.
ALSO READ:
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Dumalo sa event si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, at kasama si Rolando Grotes, City Federation President, ay pinangunahan nila ang open forum ng SK officials.
Pinakinggan nila ang mga isyu at concerns ng participants, kasabay ng pagtiyak ni Mayor Mon ng kanyang suporta at hinimok ang mga ito na maging best leaders sa pagsisilbi sa kanilang mga komunidad nang buong puso.
