IBINASURA ng Constitutional Court sa South Korea ang impeachment laban kay Prime Minister Han Duck-Soo, dahilan upang ibalik ito bilang acting president ng bansa.
Naupo si Han bilang acting leader noong Disyembre nang suspindihin si President Yoon Suk Yeol mula sa mga tungkulin nito at in-impeach ng parliament matapos tangkaing magdeklara ng martial law.
ALSO READ:
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Gayunman, tumagal lamang ng dalawang linggo sa kapangyarihan si Han matapos iboto ng mga mambabatas na maging ito ay i-impeach din.
Dahil dito, pinamunuan muna ni Deputy Prime Minister Choi Sang-Mok ang South Korea.