NAKATAKDANG lumabas ang South Korean actor na si Ji Chang-Wook sa Philippine Reality-Variety Show kasama ang Local Stars na sina Jodi Sta. Maria, Francine Diaz, Janella Salvador, at Arci Muñoz.
Ipinasilip ni Filipino Chef JP Anglo ang Shooting ng Filipino Variety Cooking Show sa South Korea.
Ipinost ng Celebrity chef sa kanyang Instagram page ang Behind-The-Scene Clips, kung saan tumutulong si JI sa paghahanda at pag-iihaw ng buong lechon kasama ang Filipino actresses. Nagbigay din ng mensahe ang Korean star sa kanyang mga kapwa artista at Production staff habang inaawit ni Janella ang “With A Smile” ng Eraserheads.




