HINIGPITAN ng lokal na pamahalaan ng Sogod, Southern Leyte ang quarantine at movement control measures para sa mga buhay na baboy at karne nito, matapos makumpirma ang mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa tatlong barangay.
Ayon kay Julito Abihay, Officer-In-Charge ng Sogod Municipal Agricultural Services Office (MASO), nakasentro ang restriction sa mga Barangay Dagsa, Olisihan, Hibod-Hibod, Pandan, at Magatas.
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
Aniya, mayroong pork holiday sa limang barangay sa loob ng labinlimang araw simula noong Jan. 16.
Layunin aniya ng hakbang na mapigilang kumalat pa ang sakit sa mga baboy at maprotektahan ang kabuhayan ng local hog raisers.
Unang nakumpirma ang kaso ng ASF sa barangay Hibod-hibod, at sumunod sa Barangay Magatas at Barangay Dagsa.
