MAGSISIMULA ngayong Miyerkules ang payout ng National Social Pension (SOC-PEN) para sa mahihirap na senior citizens, sa Calbayog City.
Batay sa anunsyo ni Mayor Raymund “Monmon” Uy sa pamamagitan ng Facebook, ang ire-release na pensyon ay para sa una at ikalawang quarter ng taon.
Ang schedule ng payout sa mga barangay ay makikita sa FB page ng City Social Welfare and Development Office ng Calbayog City.