Tumama ang winter storm sa Central at Southern Ukraine na pumatay ng lima katao sa Ukraine at tatlong iba pa sa kalapit na Moldova.
Nagresulta rin ang snow at malalakas na hangin ng kawalan ng supply ng kuryente sa daan-daang mga lugar at pagsasara ng highways.
Labinsiyam na katao rin sa Ukraine ang nasugatan at sampung iba pa sa Moldova.
Naapektuhan din ng extreme weather ang libo-libong mga sundalo na nasa front-line positions sa halos magda-dalawang taon nang giyera laban sa Russia.