PINAHAHARAP na sa preliminary investigation ng Department of Justice sina Senator Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary Manny Bonoan, at dating Senador Bong Revilla.
Kaugnay ito ng reklamong plunder na kinakaharap nila sa DOJ.
ALSO READ:
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez nagpalabas na ng subpeona ang ahensya laban sa tatlo.
Itinakda ng DOJ ang preliminary investigation sa naturang reklamo sa February 2 at February 12.
Kapwa respondent sina Estrada at Bonoan sa isa sa tatlong plunder complaints na nakahain sa DOJ.
Habang may hiwalay pang reklamo kung saan respondent naman si Revilla kasama ang mga dating DPWH officials na sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, at Henry Alcantara.




