IDINAGDAG ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga sintomas ng monkeypox bilang bahagi ng screening questions sa E-Travel Form na sinasagutan ng mga pasaherong papasok sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa E-Travel Form, tatanungin ang mga pasahero kung sila ba ay nagkasakit sa nakalipas na 30-araw.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
At kung “yes” ang sagot, lalabas ang listahan ng mga sintomas na maaaring naranasan nila gaya ng “rashes, vesicles, o blisters.”
Paalala ng DOH, mahalagang sagutan ng tapat ang nasabing mga tanong.
Kung sa pamamagitan ng electronic form at matutukoy na ang biyahero ay galing sa bansa na nasa listahan ng World Health Organization (WHO) na outbreak area, o kung mayroon siyang history of exposure sa isang mpox case, at kung may nararanasang sintomas, ang etravel.gov.ph system ay magpapadala ng alerto sa Bureau of Immigration (BI) at sa BOQ.
Agad namang ire-refer ng BI ang pasahero sa BOQ para sa secondary screening. At kung matutukoy ng BOQ na ang pasahero ay maaaring suspect case ng mpox, ire-refer ito sa isang ospital.
