UMIIRAL pa rin ang Shellfish Ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar at sa coastal waters ng Leyte, Leyte matapos makumpirma kamakailan sa laboratory tests ang presensya ng red tide toxins sa shellfish at water samples.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa saxitoxin ang shellfish na nakolekta mula sa Matarinao bay na sumasaklaw sa coastal towns ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo.
Northern Samar, sinimulan ang community engagement para sa Offshore Wind Project
1-billion peso support fund, magpapalakas sa zero balance billing sa provincial hospitals
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Samantala, patuloy na nasa ilalim ng red tide warning ang coastal waters ng Leyte, Leyte matapos ding magpositibo sa paralytic shellfish toxin ang shellfish meat samples na nakuha sa lugar.
Bunsod nito, pinaiiwas ng BFAR ang publiko na maghango, magbenta, at kumaon ng shellfish, alamang, at hipon mula sa mga apektadong katubigan upang maiwasan ang mga panganib sa kalusugan.
