MASAYANG ibinahagi ni Sharon Cuneta sa social media ang natanggap na balitang nominado bilang Best Actress sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards para sa pelikulang “Family Of Two.”
Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Megastar ang invitation na kanyang tinanggap, na nagno-notify ng kanyang nominasyon.
Gaganapin ang Awards Night sa May 26, sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.
Kasama ni Sharon sa “Family Of Two” si Alden Richards na nominated naman bilang Best Actor para rin sa naturang pelikula.