INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi matutuloy ang “Metro Manila Shake Drill” ngayong Miyerkules.
Ito ay para maipagpatuloy ang clean-up at repair activities sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Carina at pinaigting na habagat noong nakaraang linggo.
Ang Metro Manila Shake Drill ay ikinasa upang ihanda ang publiko sa pagtama ng malakas na lindol na tinawag na “The Big One” at pinangangambahang mamiminsala sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Noong Hunyo ay iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang nakibahagi sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa second quarter ng 2024.