ISINIWALAT ni Senator Erwin Tulfo na mayroon ding isyu ng kickback sa Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay Tulfo, pumapangalawa na ngayon ang BIR sa pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno dahil kung mayroong flood control scandal sa Department of Public Works and Highways, mayroon namang anomalya sa LOA o Letter of Authority ang BIR.
Larawan ng menor de edad na anak ni VP Sara, ginamit sa pagpapakalat ng fake news
Panukalang pagsuspinde sa excise tax, pasado na sa 2nd reading sa Kamara
Panukala kaugnay sa emergency powers, sesertipikahang urgent ni PBBM
P5K ayuda sa mga tsuper ipamamahagi na sa susunod na linggo; taas-singil sa pasahe kasado na ayon sa DOTr
Sinabi ni Tulfo na ilang taon nang pinagkakakitaan ng mga opisyal ng BIR ang modus sa LOA para makamit ang kanilang revenue target.
Ayon naman kay Senator Alan Cayetano, sa ilalim ng modus iisyuhan ng LOA ng BIR ang negosyante na mayroong bayarin sa buwis.
Kalaunan aalukin ito ng condonation para sa diskwento sa buwis at para hindi na maabala na mabulatlat pa ang libro sa mga transaksyon ay kakagatin ng negosyante ang alok.
Ang masisingil mula sa negosyante ay mapupunta na sa bulsa ng mga opisyal ng ahensya at hindi sa kaban ng bayan.
Naghain na ng resolusyon si Tulfo para maimbestigahan ng senado ang isyu.
