IBINAHAGI ng Sexbomb girls leader na si Rochelle Pangilinan kung paano pinaghahandaan ng kanilang grupo ang nalalapit na three-night show sa susunod na buwan.
Nakatakdang idaos ng girl group ang isa pang round ng reunion shows simula Feb. 6 hanggang 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
ALSO READ:
Lian Paz, nilinaw na hindi sila co-parenting ng dating mister na si Paolo Contis
Actress-vlogger na si Bea Borres, nanganak na noong nakaraang taon
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Sinabi ni Rochelle na simula noong September ay nag-training na silang lahat at kahit masakit ang mga katawan ay nagda-dance class pa rin.
Aniya, bumalik talaga sila sa umpisa hanggang sa gumaling ulit, gumaan, at nag-diet, para ma-deliver ganung klaseng concert.
Noong Disyembre ay sold-out ang dalawang reunion concerts ng Sexbomb girls kaya humirit sila ng isa pang round sa Pebrero.
